Nakiisa ang grupong Bahaghari LGBT Organization sa naganap na ika-22 Metro Manila Pride March bitbit ang temang #LGBTindig: Kabogin ang Diskriminasyon at Karahasan. Nilalayon ng grupo na palakasin ang panawagan hinggil sa mga isyu na kinakaharap ng LGBT Community lalo na sa usapin diskriminasyong pang sosyo-ekonomiko.

IMG_9868IMG_9809Ayon sa Pangkalahatang Kalihim ng grupo na si Aaron Bonette, ang apat na higantes ay sumisimbolo sa apat na higanteng usapin na kinakaharap ng LGBT: Karapatan, Kalusugan, Kabuhayan, at Kontra-Diskriminasyon. Dagdag pa rito, ang mga nasabing higantes ay isang eksaherasyon upang pukawin ang atensyon ng bagong luklok na pangulo ng bansa, at mabigyan ng karampatang pagpapahalaga ang mga problema ng LGBT Community.

IMG_9781IMG_9753Sa mismong araw ng martsa, naglunsad ng maiksing programa ang Bahaghari sa Plaza Salamanca. Binigyang diin ng grupo ang kanilang mga panawagan sa pagkakaroon ng pantay na pagkakataon sa trabaho para sa mga LGBT, mas magandang pasilidad ng paggamutan at pagtigil sa pagsasapribitisa ng mga ospital, paggiit ng kanilang demokratikong karapatan, at higit sa lahat ay ang pagpapasa ng Anti-Discrimination Act upang waksihan ang diskriminasyon na nagbibigay daan sa lumalalang opresyon sa LGBT.

IMG_9862IMG_9764Ang Metro Manila Pride March, na may pangkalahatang temang #LetLoveIn: Kahit Kanino, Kahit Saan, ay dinaluhan ng mahigit kumulang 5000 katao. Ilan sa mga kilalang pangalan na nakimartsa ay sina Incoming DSWD Secretary Prof. Judy Taguiwalo, Kabataan Partylist First Nominee Sarah Elago, at ang gumaganap bilang si Juana Change na si Mae Paner. Nagtapos ang nasabing programa sa pamamagitan ng isang kultural na programa na nagtampok ng iba’t ibang mga pagtatanghal.

IMG_9867IMG_9899IMG_9897IMG_9892IMG_9883

Photos and text by Almira Abril