Kahapon ng ika-21 ng Enero 2016, nagprotesta ang mga residente ng Barangay 105, Tondo, Maynila o Happyland sa harap ng coal stockpile dahil sa malubhang perwisyong dinudulot nito sa mga mamamayan.

IMG_0451Bukod sa pagkawala ng kabuhayan sa pagtambak ng karbon sa pananiman, sinisira rin nito ang kalikasan at pinalalala kalusugan ng mga tao. Nagbunga ito sa pagkamatay ng dalawang residente sa komunidad.

Ayon sa fact finding mission na isinagawa noong Disyembre 2015, nakaulat na dalawampu’t limang libong residente ng Happyland ang patuloy na naaapektuhan. Ayon pa sa Canossa Health Center, dumarami ang bilang ng kaso sa ubo, lagnat, sakit sa balat, at asthma.05“Tambakan ng coal, palayasin! Palayasin, tambakan ng coal!” ang hiyaw ng mga nagngangalit na residente ng Happyland para ipahiwatig ang masidhing damdamin na palayasin ang mga kumpanyang nagpapahintulot ng pagtambak ng karbon.03Habang may protesta sa harap ng coal stockpile, pumunta sa Manila City Hall ang mga lokal na lider kasama ang simbahan para makipagdiyalogo kay Mayor Joseph “Erap Estrada.
Screen Shot 2016-01-22 at 9.35.11 AMSa pagkalap ng mga ligal na papeles sa Bureau of Permits ay natagpuang tatlo ang kumpanyang nagtatambak ng karbon sa tabi ng Happyland: Rock Energy, Energies Supply Chain Solutions, Inc., at North Star. Ngunit binigyan ng closure order ang North Star dahil wala itong hawak na permit to operate mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) gaya ng Rock Energy at Energies Supply Chain Solutions, Inc. na nagpa-lift ng kani-kanilang closure orders bago sila magpatuloy muli ng operasyon.

“Kahit may permit ang dalawang kumpanya, lumalala pa rin ang sakit ng mga residente lalo na ng mga bata’t matatanda,” sabi ni Enrique Lozada, Sr., tagapangulo ng Alyansa ng Nagkakaisang Residente ng Happyland Laban sa Coal.

Anya ng opisina ng puno ng lungsod, pag-aaralan pa ang mga datos at ulat ng fact finding mission bago makipagdiyalogo sa mga residente.
Screen Shot 2016-01-22 at 9.36.31 AMBagamat hindi nakausap nang harapan ang mayor ng Maynila, matagumpay namang nalapitan ng mga nagproprotestang residente ang tarangkahan ng coal stockpile. At habang nariyan ang mga kabundok na tambakan ng karbon, hindi titigil ang mga residente ng Happyland na ipaglaban ang pagpapatalsik sa mga dambuhalang kumpanyang nagpapalala sa kalusugan ng mga residente ng Barangay 105.00Panulat ni Merby Lorico at kuha nila Erika Cruz, Christelle Delvo at Joolia Demigillo.