Ang mga manggagawa ng Harbour Centre sa pamumuno ng Samahan ng mga manggagawa sa Harbour Centre ay nanawagan sa harapan ng DOLE nitong Marso 14, 2017 laban sa kanilang agency na Grasials Corp. nababahala ang mga manggagawa sa hindi ligtas na pagtatrabaho, sobrang lakas paggawa, hindi maayos na pagpapasahod, hindi pagbigay sa kanilang 13th month pay, at nananawagan din ang mga manggagawa na itigil na ang kontrakwalisasyon.