Setyembre 11, 2017 — Sinalubong ng protesta ng mga kalahok sa Lakbayan ng mga Moro at Pambansang Minorya ang ika-100 kaarawan ng dating diktador na si Ferdinand Marcos. Tumungo sila sa Libingan ng mga Bayani kung saan naroon rin ang mga kapamilya at tagasuporta ng dating pangulo ng Pilipinas.