Dumalo ang halos isang libong katao mula sa iba’t ibang sektor at rehiyon sa National People’s Summit upang ihayag ang kanikanilang adyenda isang araw bago ang inagurasyon ni President Rodrigo Duterte.

IMG_1034IMG_1057

Binuksan ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang programa sa pagtatag ng pagkakaisa sa mga sektor at sa paniningil sa palabas na administrasyong Aquino sa kanilang mga kakulangan sa bansa.

“Sa wakas ay masasampahan na natin ng kaso si Noynoy Aquino,” ani ni Zarate sa kanyang pagtatapos.IMG_1068Nakalatag sa adyenda ang labinlimang puntong programang tinipon ng bawat sektor sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan. Inilahad dito ang kumprehensibong demanda sa progresibong pagbabago sa pagpapaunlad ng ekonomiya, panlipunang patakaran, kapayapaan at karapatang pantao, pamamahala at demokrasya, at patakarang panlabas at soberanya, na handog sa katuparan ng administrasyong Duterte na bigyang pansin ito sa unang isang daang araw ng pagkaluklok.

Kasamang tumanggap sa tinipong People’s Agenda ang papasok na kalihim ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Judy Taguiwalo at Repormang Pansakahan Rafael Mariano.

“Hindi na bago ang People’s Agenda dahil matagal na natin itong pinaglalaban at patuloy natin itong ipaglalaban,” ani ni Taguiwalo.

IMG_1508IMG_1481IMG_1518

Kabilang din sa adyenda ang pagpaprayoridad sa pambansang industrialisasyon, pagtigil sa kontraktuwalisasyon sa gobyerno at pribadong sektor, pagtaas sa sahod at pamumuhay ng mga manggagawa, pagpapatupad ng reporma sa lupa sa kaunlaran ng kanayunan, pagtigil sa karahasan sa kababaihan at ibang kasarian, pagpapalawak ng serbisyong panlipunan, pagpapabilis ng internet at pagbibigay kahalagahan sa computer at ICT professionals ng bansa, at pagtaguyod ng patriyotiko, demokratiko, siyentipiko, at progresibong sistema ng edukasyon at kultura.

Naging tampok din ang boses ng mga Lumad na nais nang makabalik sa kanilang lupain at mabuwag ang mga paramilitar na nanatili pa rin sa kanilang komunidad.  
IMG_1377IMG_1379

“President Tatay Digong, susuportahan po namin ang inyong programang usaping pangkapayapaan. Sana po ay isa kami sa inyong priority sa 100 days na mapayapang makauwi na sa aming mga tirahan,” taas kamaong ani ng isang batang Lumad.

IMG_1392

Sama samang mamartsa ang mga progresibong grupo sa araw ng inauguration ni incoming President Duterte. Magsisimula ito sa Welcome Rotonda at San Andres Complex patungong Mendiola, bitbit-bitbit ang paninindigan at suporta sa bagong pamahalaan.

Text by Kate Tayamora and photos by Ariel Jebulan