Isang taon mula nang mangyari ang sunog sa Kentex Manufacturing Factory, isa sa mga pinakamalubhang sunog sa mga pagawaan sa bansa, mailap pa rin ang hustisya para sa mga pamilya ng 72 manggagawang biktima ng trahedya.

Nagtungo sa pabrika ng Kentex sa Valenzuela City ang aabot sa 150 kapamilya, kaibigan at tagasuporta ng mga biktima upang patuloy na ipanawagan ang hustisya.

Ayon sa Justice for Kentex Workers Alliance, magbibigay pa lang ng counter-affidavit ang mga may-ari ng pabrika na sina Beato Ang at Ongking Guan. Hindi pa rin umuusad ang kaso laban kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz at dating DILG Secretary Mar Roxas an inihain ng grupo noong nakaraang taon.

Tumatanggap lang ng aabot sa Php202 ang arawang sahod ng mga manggagawa ng Kentex.

Patuloy na ginigiit ng grupo na dapat ay magkaroon ng mas maayos na kondisyon ang mga pagawaan na naaayon sa occupational health and safety standards, nang sa gayon ay hindi na maulit ang sunog sa Kentex.

“Hindi ito trahedya, ito ay malaking kapabayaan ng ating administrasyon. Sa pangulo ngayon, (Rodrigo Duterte) kaya nga hamon ko sayo… bigyan ng pansin ito na mabuksan ang kaso ng mga mangagawa sa loob ng Kentex dahil hindi po biro ang dinanas naming,” ayon kay Ammied Rada, tagapagsalita ng Justice for Kentex Workers Alliance.

A

D

C

B

F

E

I

H

G

Photos by Nathan Olid; Text by Louise Michelle Jarabe