Harana
by: Sining Ang Bala ng Kabataan (SABAK)

Intro:G-C (2x)

Dungawin mo sa bintana
Masdan mo ang libo-libong nakikibaka
At pakinggan mo ang sinisigaw
‘Di mo ba nadadama at di paba sasama

Nais pa ba na ikay magdusa
Bago mo maintindihan ugat ng kahirapan
At ngayon ang oras upang pumiglas
Lumabas ka ng pinto at sa hanay ay mag tungo

(koro):C-D-Em-G

Hindi ka iiwan
Sabay tayong lalaban
Lakas natin na tinataglay
Ialay sa inang bayan

Ang takot ay iyong labanan
‘Wag kang magaalinlangan
Hawakan mo aking kamay
Sabay tayong maglalakbay

(do co.pattern stanza 1)

Ang pintuan
Ng puso mo iyong buksan
Wag matakot mag tiwala
Tunay mo kaming kaibigan

Aalalay saiyo
Kahit maging sa kabiguan
Pangako sa iyo
Ang paglaya’t pagbabago

Basta’t kumapit ka
Ng buong higpit
Humanda’t hahagupit
Daluyong ay sasapit

(ulitin ang koro)

Dungawin mo sa bintana…………………………

HARANA Music Video (Tudla Production’s version)

Performed by: Sining ang Bala ng Kabataan (SABAK) | Noah
Original Lyrics: SABAK | Noah
Music and Arrangement: Karitela Productions
Directed by: Chantal Eco
Cameraman: Godson Escopete
Edited by: Chantal Eco | Godson Escopete