Studio recorded version of Buhay Aktibista by SABAK (Sining ang Bala ng Kabataan). Special thanks to Ma’am Roselle Pineda, her CWTS class and Karitela Productions.

Buhay Aktibista
Sining Ang BAla ng Kabataan

Chorus
G F#/D
Halika na at sumama sa mundo ng aktibista
Em
Na may halong lungkot, at saya na may kaba
C9
Bayan ang tutubos sa imperyalista
G F#/D
Ang kaligtasan sa isa’t isa’y ingatan
Em C9
Yan ang buhay ng aktibista, buhay ng aktibista

G –F#/D –Em –C9 Just do it!
Nagsimulang makibaka sa edad na 20 years old
Tinanggap ko ang teorya ng MLM
Halos sumabog ang shoulder kakaaral ng mk
Hindi naman writer pero ang buhay ko’y essay

Kontradiksyon ay forever ang lumaban much better
Ang pangarap ko’y lumaya hindi maging alila
We must fight and struggle to end our suffering
Patuloy makibaka coz our fight is not over

Ang mawalay sa ama’t ina ako’y nakahanda na
Maging desaparacidos at edad ma’y hihinto na
Pero teka muna ito ba’y katotohanan
Bulok na sistema ng lipunan ay lalabanan

Ng dahil sa bayan buhay ko’y isasakripisyo
Kahit alam kong hahantungan kulungan o nitso
Ang peligro at banta sa buhay namin ay likas
Bawat isang kasamang mawawala sampu ang katumbas

Ulitin ang Koro

G –F#/D –Em9-C9 Just do it !
Lagi na lang umiinit ang aking ulo
O para bang gustong ubusin ang mga haciendero
Ang gulo lumalabas pag pumutok na ang baril
Ang pagiging aktibista sa masa yan ang aming papel

Kami ay laging gigil kaya minsan napapasabak
Sa laban ng maralita tanggap ko na namapahamak
Pero pag hinahamak umiiral na ang poot
kundi suntok may tutumba nalang sa isang putok

Ito na ba ang sagot sa soberanyang siniil
Ng dayong agilang kolonyalistang mapanupil
Ang tulad ko, kahit paslangin nila ako
Marami pa ring magpapatuloy ng nasimulan ko

Kaya imperyalismo, Ibaksak at durugin
Ang tamang daan ay tutungo na sa atin
Nang atin pang makita pag bukang liwayway
Darating din ang oras pulang hukbo ang gagabay

Repeat Chorus

Mula nung 1964 kabataang makabayan dito na nabuo
12 anyos ang laro sa mga lespo magpahabol
Naging kakaiba ang pananaw sa ating bayan
Hinangad na ang takot natin ay mapangibabawan

Habang di na alintana ang mga taong lumipas
Tumandang walang tinapos tila nagsayang ng oras
May mga tibak na nangulungan at ibang di na lumutang
May mga nag buwis ng buhay at naging pambayad utang

Ngunit tuloy tuloy parin ang laban hanggang makamit na
Ang pangarap na sosyalismo’t imperyalista’y mawala na
Ginabayan na ng marxismo,leninismo’t maoismo
Tunay na teorya ng mga taong rebolusyonaryo sa mundo

Nakipagsabayan sa mga hamon
Humantong man sa patayan at walang tigil na putukan
Hanggang tayo’y malagasan ngunit
Isang katanungan lang naglalaro sa isip ko
Ito ba ang buhay na dapat manahin ng panganay ko?

Repeat Chorus

Ito ay alay ko sa mga katukad kong lumalaban
(lumalaban, para sa bayan)
Ito ay alay ko sa mga katulad kong lumalaban
(lumalaban para sa ating bayan)